13 mangingisdang nasagip nasa GenSan na

NA-RESCUE ang may 13 na mangingisda na nawala makaraang hambalusin ng malalaking alon ang sinasakyang fishing vessel bunsod ng bagyong Pablo at naihatid na sa Makar Wharf sa General Santos.

Nabatid na nailigtas ang mga mangingisdang sakay ng FB Blue Fishing ng Atlantis Fishing.

Sinasabing nasa 23 ang crew ng FB Blue Fishing kung saan ang 10 sakay nito ay hindi pa nakikita hanggang ngayon.

Kaagad na dinala sa ospital sa GenSan ang 13 nasagaip na pawing nagtamo ng mga sugat sa katawan at pamamaga ng mga kamay.

Sa mga nailigtas, dalawa ang taga-GenSan, isa ang mula sa Sarangani province at Lupon, Davao Oriental, habang pito ang taga-Mangagoy, Surigao del Sur at dalawa ang residente ng Sigaboy, Surigao del Sur.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply