15 pulis ipinasisibak ni Espina

espina

IPINASISIBAK ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang 15 dahil sa pagkakaugnay sa iba’t ibang kasong kriminal at administratibo.

Iniutos ni NCRPO chief Director Leonardo Espina na tanggalin sa tungkulin ang mga pulis na sina PO2 Michael Soriano, PO1 Aldrin Ignacio, PO1 William Cristobal, PO1 Orlando Medico, PO3 Resty Cunanan, PO2 Eliseo Santos, PO1 Jeremias Englis Jr., PO2 Ronilo Marquez, SPO2 Josefino Agustin, PO1 Nomer Getiada, PO1 Roemer Mondido, SPO2 Abdurahmin Madueno, PO2 Grant Fausto Savedia, PO1 Agustin Panelo at PO1 Bernardo Sasi.

Ipinade-demote naman ni Espina sina PO2 Marlon Blando, at PO2 Bernardo Lapaz dahil sa pag-a-AWOL (absent without leave). Habang na-demote naman si PO3 Michael Pablo bunga ng kinakaharap na kasong grave misconduct.

Pinasususpinde rin ng NCRPO ang mga pulis na nasasangkot sa iba’t ibang usapin at ang mga ito ay sina: PO2 Ace Michel Adenic and PO1 Rou Benavidez dahil sa kasong robbery/extortion; SPO1 Romeo Cantal na nahaharap sa kasong paglabag sa Article 224 of the Revise Penal Code PO2 Freddie Jimenez na may kasong bigamy at paglabag sa Republic Act 9262.

Sususpindehin din sina PO2 Freddenil Dividina na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9262; PO1 Nabo Jusay na nahaharp sa kasong immorality; PO3 Faustino Tabilin and PO1 Edgar Rodulfo dahil sa non-appearance in court; PO1 Leonardo Angio na nahaharap sa serious neglect of duty; PO3 Ramil Brosas at PO1 Jerome Medina kaugnay sa intermittent absences; PO2 Randolf M Olivar, PO1 Antonio G Gallardo, PO1 Orlando M Medico, PO2 Richard Dato, PO3 Marlyn Remetio, PO2 Ronald Iral; PO3 Carlos B Fuentes, PO1 Mary Rose P Balatayo, PO1 Anthony Empleo, PO3 Argyl C Taleon, PO1 Angel V Ubales, PO2 Michael Garcia, PO2 Aurelio DJ Sto. Tomas, SPO1 Silverio E Suazo, PO3 Raul Flores, PO1 Francis Abenir, PO1 Arman Cabsag, PO3 Clairta M Leones, PO1 Vivencio B Esparrago Jr, PO1 Mark Angelo T Tuazon; PO1 Michael Robles; PO1 Mark Jerald  Arro at PO1 Darwin Barcena na pawang patuloy na nasa AWOL; at PO1 Ronald l Mangsat (RPHAU) dahil naman sa simple neglect of duty.

Ang 4th batch ng mga tiwaling pulis ay tinatayang umaabot na sa kabuuang 73 na-dismiss, 18 na-demote at 61 na nasuspinde. Ito ay simula ng maupo sa tungkulin si Espina bilang NCRPO chief nitong nakaraang Setyembre 7.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply