1,685 pasahero stranded sa Manila pier dahil kay ‘Pablo’

NASA 1,685 pasahero mula sa Manila North at South Harbor ang stranded dahil sa bagyong Pablo, ayon sa ulat kahapon ng Philippine Coast Guard.

Nabatid kay Coast Guard officer-in-charge Rear Admiral Luis Tuason Jr. sa kanilang inisyal na talaan ay nasa  300 na ang pasaherong stranded sa  Tagbilaran, Bohol province. Nasa  100 sa Maasin, Leyte, may 20 pasahero ang  stranded sa Cebu at 105 naman sa  Ormoc.

Ang pagkastranded umano ng mga pasahero ay dahil na rin sa may 19 na sasakyang pandagat ang hindi na pinayagang maglayag bukod pa sa 54 rolling cargoes at 10 motor bancas na pinigil na rin sa mga pantalan.

Inamin ng PCG na inaasahan pang madadagdagan ang bilang ng mga stranded na pasahero habang papalapit ang bagong Pablo.

Tiniyak naman ni Tuason na nakamonitor ang PCG sa lahat ng ports sa bansa at may koordinasyon din sila sa PAGASA para malaman ang galaw ng bagyo.

Nakiusap naman ang PCG sa mga may-ari ng sasakyang pandagat na huwag nang maglayag kung malakas ang pag-uulan at sumunod sa abiso ng ahensya upang iwas sa aksidente. Nagbanata pa ang opisyal na ang mga hindi susunod sa PCG sa kanilang travel advisory ay papatawan ng kaukulang parusa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply