17-anyos na stude malubha sa mga tambay

emergency-2

RIZAL– Kritikal ang 17 anyos na estudyante matapos na harangin at barilin ng dalawang out of school youth sa bayan ng San Mateo.

Kinilala ni San Mateo chief of Police P/Supt. Ruben Piquero ang biktima na si Mark Joseph Bonifacio, residente ng Nawasa Pipeline, Brgy. Guitnang Bayan 2, ng nasabing bayan.

Naaresto sa follow-up operation ng pulisya ang mga suspek na sina Arnel Ano, 17 anyos, ng Santos Buenviaje Compd., Brgy. Guitnang Bayan at James Anthony Sta. Maria, 17 anyos, residente naman ng M.R. Ville, Brgy. Guitnang Bayan ng nasabing bayan.

Pinaghahanap pa ang dalawang suspek na nakilala lamang sa alyas na  “Melvin” at “Neri” kapwa ng nasabi ring bayan.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-5:20 ng madaling araw sa Kambal Rd., Brgy. Guitnang Bayan, San Mateo, Rizal.

Nabatid na galing sa simbahan ang biktima kasama ang ilang kaibigan ng biglang harangin ng mga suspek at agad na pintukan ng dalawang beses.

Bagamat nabigla ay nagawa pang makatakbo ng biktima sa malapit na presinto na nagresulta sa pagkakahuli ng dalawang suspek.

Pansamantalang nakadetine ngayon sa lock up jail ng San Mateo PNP ang mga suspek habang inihahanda pa ang kaso laban sa mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply