17 banyaga arestado sa illegal operation sa Caloocan

NAHAHARAP  ngayon sa kasong  paglabag sa RA 8484 o Access Devices
Regulation Act. ang 13 Chinese national at apat na Taiwanese na nadakip kaugnay umano sa pagkakasangkot  sa iligal na operasyon  sa Caloocan City.

Naaresto ang 17 banyaga matapos ang isinagawang pagsalakay ng mga
tauhan ng  National Bureau of Investigation (NBI) sa Barangay 180, North Caloocan City kaninang madaling araw.

Ang mga suspek ay inaresto sa bisa ng isang search warrant, na isinasangkot sa umano’y ilegal na operasyon.

Nakumpiska sa tinutuluyan ng mga suspek ang mga landline, radyo at mga
laptop computers na hinihinalang  ginagamit sa isang large-scale na
operasyon, at  nagpapanggap ang mga suspek na mga awtoridad para
makapangulimbat ng malaking halaga ng salapi sa China at Taiwan.

Patuloy pang iniimbestigahan ng awtoridad ang mga suspek upang alamin
ang iba pang illigal operation ng mga suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply