17 domestic flights kanselado sa bagyong ‘Quinta’

KANSELADO ang 17 domestic flights dahil sa masamang panahon bunsod ng bagyong Quinta.

Ayon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Media Affairs Division, kabilang sa mga hindi ipinatuloy ang Zest Air flight Z2-320
na patungo sana sa Tacloban, kaninang alas-4:20 ng madaling araw at return flight nitong Z2-321 na lalapag sana alas-7:10 ng umaga.

Nagkansela rin ang flight Z2-260 na biyaheng Masbate kaninang alas-5:05 ng madaling araw at ang return flight nitong Z2-261 na
lalapag sana alas-8:05 ng umaga.

Bukod sa Zest Air, nagkansela na rin ng 13 flights ang Cebu Pacific kabilang ang flights 5J-821 at 5J-822 na mula Maynila patungong
Catanduanes at pabalik na biyahe nito.

Samantala, ang 11 pang flights ay pawang mga biyaheng Caticlan at pabalik ng Maynila.

Bagama’t bahagyang humina ang bagyong Quinta, inaasahang madadagdagan pa ang listahan ng mga kanseladong flight para sa kapakanan ng mga pasahero.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply