185 OFWs gustong umuwi sa PHL ngayong Kapaskuhan

NANANAWAGAN ang may 185 Overseas Filipinos Workers (OFWs) sa Saudi Arabia at ang pamilya nito sa pamahalaan na tulungan silang makauwi sa Pilipinas bago sumapit ang Pasko.

Ayon sa Migrante-Middle East hanggang ngayon ay nasa kalinga ng Philippine embassy at  consulate-run Bahay Kalinga and Filipino Workers Resource Centers (FWRCs) na permanenteng nanunuluyan sa naturang lugar.

Karamihan sa manggagawang Pinoy ay inabot na ng tatlong taon sa FWRC at patuloy pa ring kinakalinga ng militanteng grupo.

“The distressed OFWs from Bahay Kalinga in Riyadh and Jeddah, respectively, and at POLO-OWWA shelter in Al-Khobar, all in Saudi Arabia, are regularly calling us to plead for their repatriation,”
pahayag ng Migrante.

Batay sa record ng grupong Migrante, mayroong humigit kumulang sa 100 Pinay OFWs at 30 sa kanila ay nag-aalaga ng kanilang anak sa loob ng Bahay Kalinga sa Riyadh, Saudi.

Samantala, umaabot naman sa 45 manggagawa ang nasa FWRC sa loob ng Philippine Consulate sa Jeddah na naghihintay na makauwi.

Ayon pa sa grupo, nasa 40 distressed women OFWs ang nasa kalinga pa rin ng Philippine Overseas Labor and Welfare Offices sa Al-Khobar, Saudi Arabia.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply