1M Red Ribbons for Life and Family campaign ilulunsad bukas

ILULUNSAD ng mga pro-lifer ang “1M Red Ribbons for Life and Family Movement” o tinaguriang “Merry Red Ribbon Christmas and Happy Red Ribbon New Year” bukas (Disyembre 28).

Kasabay ng Feast of the Holy Innocents, isasagawa ito sa pamamagitan ng “holy rosary” rally sa bagong dedicated Diocesan Shrine of Our Lady of Guadalupe, Pagsanjan, Laguna sa ganap na ala-1:00 ng hapon.

Sina Fr. Bing Arellano, Edwin Lopez ng EWTN at Fr. Melvin Castro, executive secretary ng Episcopal Commission on Family and Life ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang inaasahang magigin speaker ng naturang rally.

Suportado nina Lipa Archbishop Ramon Arguelles at Malolos Bishop Jose Oliveros ang inisyatiba ng mga lay people na ilunsad ang naturang kampanya.

Hinimok rin ni Arguelles ang lahat ng pro-lifers na ipangako sa “divine infant” ang patuloy na paglaban sa buhay at kasagraduhan ng pamilya.

Ayon naman kay Prolife Philippines President Eric Manalang, layunin ng hakbang na ipakita kay Pangulong Benigno Aquino III na hindi mananahimik at ipagwalang bahala na lamang ng mga pro-lifer ang paglagda niya bilang batas sa Reproductive Health Bill.

Binigyang-diin pa ni Manalang na nararapat lamang na i-veto ng Pangulo ang RH bill dahil kikilos ang taumbayan kapag nilagdaan niya itong batas.

“The idea is to show the RH President that his signing the bill into law will not be taken just sitting down and he needs to VETO it,” ani Manalang.

Hinimok din ni Manalang ang sambayanang Filipino na ipagpatuloy ang laban kontra RH bill sa pamamagitan ng pagtali ng mga pulang ribbons sa mga sasakyan, mga bag, sa gate ng mga bahay, mga poste, mga punongkahoy, mga paaralan at mga simbahan, bilang paalala at babala na nanganganib ang sagradong buhay at pamilya sa pagsasabatas ng RH bill.

Inaanyayahan ng Pro-Life Philippines ang lahat ng mga nagmamahal sa buhay at may malasakit sa pamilyang Pilipino na makiisa sa 1M Red Ribbons for Life and Family.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply