2 bagets dakip sa panghoholdap

NADAKIP ang dalawang bagets habang nakatakas ang isa pang kasama nila matapos mangholdap ng jitney sa Malabon City kaninang madaling araw, Disyembre 18.

Nasa Department of Social Welfare and Development na ang dalawang bagets na may edad 15 at 16 habang pinaghahanap pa si Emilio Limares, nasa hustong gulang ng Bisig ng Kabataan, Caloocan City.

Sa ulat, ala-1:30 ng madaling-araw nang holdapin ng mga suspek ang apat na pasahero sa C-4 Road, Tonsuya, nasabing lungsod.

Kinuha ng mga suspek ang mga bag ng biktima bago nagsitakas habang nakahingi ng tulong ang mga huli sa pulisya.

Sa isinagawang follow-up operation ay nadakip ang dalawang bagets at nabawi ang ilang bag ng mga biktima habang natangay ni Limares ang iba pa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply