2 barangay sa Caloocan finalist sa Clean and Green ng MMDA

Pinuri ni Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President at Caloocan City Councilor Ricojudge Janvier “RJ” Echiverri ang dalawang nasasakupan nitong barangay dahil sa pagiging finalist ng “search for cleanest and greenest barangay in Metro Manila”.

Ayon kay Echiverri, ang patimpalak na ito ay pinangunahan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na layuning hikayatin ang lahat ng barangay sa buong Metro Manila na panatilihin ang kalinisan at kaayusan sa kanilang lugar.

Aniya, ang Barangay 91 na pinamumunuan ni Kapitan Albert Bañez ay finalist sa Category C ng patimpalak habang ang kay Kapitan Jaime Barbara ng Barangay 172 ay finalist naman sa Category A.

Bagama’t hindi pa naipoproklama ang mga nanalong barangay ay sinimulan na ni Echiverri na hikayatin ang iba pang barangay sa Lungsod ng Caloocan na tularan ang dalawang barangay na finalist sa patimpalak ng MMDA.

Napag-alaman pa na ang search for cleanest and greenest barangay ng MMDA ay pinaglabanan ng lahat ng barangay sa buong Metro Manila kaya’t ang maging finalist sa patimpalak na ito ay isang malaking karangalan na para sa isang lugar.

Ngayong December ay maipoproklama ng MMDA ang mga natatanging barangay na mananalo sa patimpalak na ito kaya’t tiyak na magiging masaya ang bagong taon ng mga mapipiling kampeon sa bawat kategorya.

Kaugnay nito, binati naman ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang dalawang barangay sa kanyang pinamamahalaang lungsod dahil sa pagiging finalist ng mga ito sa cleanest and greenest barangay ng MMDA.

Aniya, ngayon pa lang ay binabati na niya ang dalawang kapitan ng barangay sa Caloocan City dahil sa pagiging finalist sa naturang patimpalak at sinabi pa ng alkalde na isang malaking karangalan na para sa isang lugar na mapasama sa final dahil ang naglalaban-laban dito ay ang lahat ng barangay sa Metro Manila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply