2 Gapos gang member, todas sa Nueva Ecija encounter

PATAY sa engkuwentro ang dalawang sa apat na miyembro ng Gapos Gang  kabilang ang isang sundalo sa Nueva Ecija nitong Miyerkules ng gabi (Disyembre 5).

Kapwa nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan at namatay noon din ang mga suspect na sina Sgt. Angelo Milano, miyembro ng 7th Infantry Division ng Philippine Army (PA) at isang nagngangalan na Ferdie Morga, kilalang miyembro ng isang local criminal group.

Hinahanting na ng pulisya ang dalawa pang kasamahan nina Morgan at Milano na pansamantalang hindi muna pinangalanan alinsunod sa ikakasang follow-up operation laban sa kanila.

Sa ulat, naganap ang insidente sa pagitan ng 10:15 nitong nakaraang Miyerkules ng gabi ilang metro lamang ang layo sa  bahay ng isang Gaudencio Fernandez sa Barangay Malinao sa Gabaldon town.

Bago ito, pinasok ng apat na armadong suspect ang bahay ni Fernandez bago itinali ang mga miyembro ng pamilya at saka ni-ransack ang mga gamit ng bahay.

Habang nilalagay ng mga suspect ang mga ninakaw na gamit sa kanilang dalang Nissan Frontier pick up, lingid sa kanila ay  nakatawag na pala sa awtoridad ang isang kamag-anak na kapitbahay ni Fernandez.

Nasabat naman ng mga rumespondeng pulis ang mga suspect pero pinaputukan sila ng tatlo kaya bilang pagtatanggol sa sarili ay gumanti ng putok ang kapulisan at tinamaan ang dalawa habang nakatakas naman ang dalawang holdaper.

Narekober sa mga suspect ang isang kalibre 45 at 9mm pistol at isang motorsiklo at ang kanilang van.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply