2 gintong medalya inuwi ng Philippine Memory Team

DALAWANG gintong medalya ang sinikwat ng Pilipinas upang muling ipakita ang tikas sa larangan ng pagme-memorya sa katatapos na 21st World Memory Championships na ginanap sa Lilian Baylis Technology School sa London, United Kingdom.

Dinamba ni Jamyla Domingo Lambunao, panargo ng St. Scholastica Marikina ang Spoken Numbers at 1 Hour Cards sa kids division.

Hindi rin nagpadaig si first Filipino Grandmaster of Memory Mark Anthony Castaneda ng dominahin nito ang Spoken Numbers event sa adult division upang hablutin ang gold medal matapos magkabisa ng 193 spoken numbers.

Nakakuha naman ng Grandmaster norm ang tinaguriang father of Philippine Memory Sports at UTAK Learning founder Roberto M. Racasa nang magawa niyang kabisaduhin ang sampung decks ng baraha sa loob lamang ng isang oras.

si Erwin Balines na dating PUP engineering student ang nakapaguwi ng pinakamalaking karangalan nang makopo nito ang final norm upang maging ganap na Grandmaster of memory.

Samantala, hindi naduplika ng Philippine Memory Team ang kampanya noong isang taon nang magkasya lang sa bronze medal

Sa kabuuan tumapos ang Pilipinas sa ikatlong puwesto para iuwi ang Bronze medal habang ang Germany at Sweden ang nagbulsa ng Gold at silver medal ayon sa pagkakasunod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply