2 holdaper na kumana ng grocery store, todas sa QC cops

NALAGAS sa pagkasa sa awtoridad ang dalawang holdaper  matapos mangholdap ng isang grocery store sa Quezon City, ayon sa ulat kaninang umaga ng opisyal ng pulisya.

Sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) director Chief Supt. Mario Dela Vega, na walang pagkakakilanlan ang dalawang napatay na suspect pero ang isa ay may tattoo na Batang City Jail (BCJ) sa katawan habang ang isa naman ay miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik gang.

Bukod sa nakumpiskang kalibre 38,  nabawi rin sa dalawa ang kanilang tinangay na P5,000  mula sa cashier ng Lucky Wings grocery na nasa Sauyo Road, Novaliches.

Naganap ang insidente dakong alas 9:30 nitong nakaraang Biyernes ng gabi sa nasabing grocery store.

Ayon kay QCPD deputy director for operation, bago ang insidente ay pumasok sa nasabing grocery store ang dalawang kawatan at nagpanggap na mga kostumer.

Pero nang makapuwesto na sa tabi ng cashier ay nilabas ng mga suspect ang kanilang kalibre 38 at nagdeklara ng holdap.

“Ibigay mo sa amin ang pera sa kaha, narito kami para mamasko at hindi naming kayo sasaktan”, pahayag ng isa sa mga suspect.

Lingid sa mgna suspect, nakatawag na pala sa presinto ang may-ari ng grocery store na si Maricel Rana habang hinihinta nito na maiabot sa kanya ang P5,000.

Nakalabas na ang mga suspect sa nasabing tindahan nang dumating ang QCPD team pero agad silang pinaputukan kaya napilitan silang gumanti./

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply