2 Korean diver namatay sa underwater cave

2 patay

NAIAHON na ng mga tauhan ng Philippine Navy technical diving team ang dalawang Korean national na namatay sa loob ng isang makipot na underwater cave sa karagatang sakop ng Maricaban, Batangas.

Kinilala ang mga biktima na sina Kim Jun Ho, 45-anyos at Bae Jiun, 34-anyos na nasawi sa may lalim na 190 talampakan o 60 metro sa loob ng isang maliit na kuweba sa ilalim ng dagat.

Sina Kim at Bae ay napaulat na nawawala noon pang Martes.

Nagsimula ang search and rescue operation ng binuong technical diving team ng NAVSOG sa dalawang Koreano noong Miyerkules.

Sa impormasyong ibinahagi ni Navy Spokesman Marine Col Omar Tonsay, natagpuan ang labi ng mga biktima Biyernes ng umaga subalit nahirapan silang maiahon ang mga bangkay dahil sa makipot ang lagusan.

“Dala ng poor visibility bandang hapon at sa kakulangan sa bottom time ng navy tech divers at masikip na bahagi ng kweba ay pinagpaliban muna ang retrieval oprations na ipinagpatuloy lamang kahapon ng umaga, ayon pa kay Tonsay.

Sabado ng umaga matagumpay na naiahon ang bangkay ng mga biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply