2 lagas, 3 sugatan sa clan war sa N. Cotabato

crime3

PIKIT, North Cotabato–Dalawang katao ang napatay habang tatlo naman ang sugatan nang magbakbakan ang dalawang angkan ng Moro sa isang interior village sa nasabing bayan nito lamang Linggo, ayon sa ulat ng pulisya kaninang umaga.

Sinabi ni Senior Insp. Elias Dandan, police chief ng Pikit, na ikinakasa na para mahinto ang kaguluhan nang matahimik.

“It’s a long-time dispute over political boundaries between families in Langayen and Dungguan, both in Pikit,” pahayag ni Dandan.

Sinabi ni Col. Prudencio Asto, spokesperson ng 6th Infantry Division, na ang mga sangkot sa sigalot ay isang nagngangalang Kuyo, isang commander ng Moro Islamic Liberation Front 105th Base Command, at ang Tayuan family.

Hindi naman nakuha ang mga pangalan at kung ilasang taon ang dalawang kaswalidad na kapwa miyembro ng Tayuan family.

Kinilala naman ni Asto ang mga nasugatan na sina  Kanapia Musa, 42; Eric Pasandalan, 19; at Kamir Pasandalan, 23, pawang supporter  ni Commander Kuyo.

Hinaras nitong Linggo lamang ang mga suporta ni Kuyo ang Barangay Langayen na tinutuluyan ng  Tayuan family.

Gumanti naman ang Tayuan family at kumasa sa pagatake na tumagal ng 2 oras na firefight na nagiwan ng dalawang patay sa Tayuan family.

Sinabi ni Asto na nag-igting ang sigalot sa pagpatay sa batang kapatid ni Kuyo noong nakaraang buwan na isinisisi ng  MILF field official sa Tayuan family.

Sinabi ni Dandan at ni Asto na ang bawat panig ay nagsasabing nagmamay-ari ng isang malaking lupain na nasa boarder ng Barangays Dungguan at Langayen.

Ipinag-aareglo na ang dalawang grupong nagbabangayan na pawang sumang-ayon na tapusinn na ang madugong bakbakan.

May  25 pamilya na mga kamaganak ng nagbabangayan na angkan  ang lumikas para pumunta sa mas ligtas na lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply