2 lider ng drug group laglag sa PDEA

PDEA

NASAKOTE ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang kilabot na lider ng drug group sa magkahiwalay na operasyon sa Davao del Sur at Tacloban City.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., ang mga nahuli na sina Imbra Say-ing Apdales, 67 anyos, isang babaeng lider ng Silaw Drug Group at residente sa Purok Maligaya B, Sitio Lawis, Barangay Bato, Sta. Cruz, Davao del Sur; at Ramon Giron, alias Monit, 53-anyos, isang contractor, sa RJD Homes Subdivision, Manlurip, San Jose, Tacloban City.

Ikinasa ng mga elemento ng PDEA Regional Office (PDEA RO11) ang operasyon sa pamumuno ni Director Emerson Rosales, Davao del Sur Provincial Police at Sta. Cruz Police noong Dec. 15 at nadakip si Apdales at dalawang miyembro ng grupo na kinilalang sina Salami Basari, alyas Salvia; at Jurma Usman.

Nakumpiska sa mga suspek ang may pitong sachet ng shabu (methamphetamine hydrochloride) na may bigat na 20.3 grams at mga drug paraphernalia.

Lumitaw sa imbestigasyon na pawang mga kababaihan ang miyembro ng Silaw Drug Group na responsible sa kalakalan ng shabu sa Sitio Lawis at karatig na munisipalidad

Nadakip naman ng mga opratiba ng PDEA Regional Office 8 (PDEA RO8) si Giron sa Tacloban City matapos bentahan ng shabu ang isang PDEA agent noong December 13, 2012. Sinasabing lider si Giron ng Giron Drug Group.

Sinampahan na si Apdales at kanyang mga kasama ng kasong paglabag sa Sections 11 (Possession of Dangerous Drugs) at 12 (Possession of Paraphernalia for Dangerous Drugs) Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang nahaharap naman si Giron sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply