2 meteor showers, bubuhos sa Disyembre

meteor-shower

MAGIGING makulay ang papawirin ngayong Disyembre sanhi ng dalawang meteor showers.

Ayon sa Pagasa, unang makikita ang Geminids meteor shower sa Disyembre 14, 2012.

Tinatayang may 100 bulalakaw ang makikita sa bawat oras kaya itinuturing itong kaabang-abang at kaaya-ayang panoorin sa kalangitan.

Malinaw naman itong makikita sa iba’t-ibang lugar ng bansa dahil matatapat ito sa panahon ng new moon na ang ibig sabihin ay hindi gaanong maliwanag ang sinag ng buwan.

Susundan naman ito ng ikalawang meteor shower na tinatawag na Ursid sa Disyembre 22 at 23, 2012.

Pero mas madalang ang bulalakaw sa Ursid kumpara sa Geminids dahil 10 meteors lamang ang posibleng makita sa papawirin sa loob ng isang oras.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply