2 motorsiklo nagsalpukan, 3 patay

3-dead

NATAPOS ang mundo ng tatlong lalaki habang sugatan ang isa pa sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa Caloocan City, Biyernes ng umaga.

Dead on the spot sanhi ng pinsala sa ulo at katawan sina Efren Dagooc Jr., 23; Carmelito Umadlao Jr., 25 kapwa ng Damong Maliit, Quezon City at Marden Borres, 17 ng Urban Homes, Bagumbong, Caloocan City.

Inoobserbahan sa East Avenue Medical Center sanhi ng pinsala sa katawan si Peter Paul Dimataga, 17 ng Damong Maliit ng nasabing lugar.

Iniimbestigahan naman ng mga pulis si Jay Alcantara, 33 ng La Forteza, Camarin ng lungsod dyipni drayber.

Sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling araw, isang direksiyon lang ang binabagtas nina Alcantara (palang NEW-149)) at Borres na nagmamaneho ng Yamaha (3177-TJ) sa Camarin Road, Camarin ng lungsod. Nag-overtake si Borres sa dyip ni Alcantara.

Hindi nakontrol ni Borres ang manibela at sumalpok sa kasalubong na si Dagooc na angkas sina Dimataga at Umadlao sa Kawasaki Fury (1632-KJ).

Nagsalpukan ang dalawang motorsiklo na naging dahilan upang magtalsikan ang mga sakay.

Sa malas ay napuruhan ang tatlong nasawi habang nadala sa EAMC si Dimataga kung saan inaalam na kung may pananagutan si Alcantara.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply