2 patay sa hagupit ng bagyong Pablo

(UPDATE) Dalawa katao na ang iniulat na namatay habang dalawa pa ang nasugatan sa pananalasa ng bagyong Pablo sa Mindanao.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kinilala ang namatay na si Erlinda Bolante, 60-anyos matapos mabagsakan ng puno sa Manay, Mati, Davao Oriental.

Sinabi ni NDRRMC Executive Director Benito Ramos, inaalam pa nila kung kasama si Bolante sa dalawang unang napaulat na nabagsakan ng puno sa nasabi ring lugar.

Ayon naman sa Davao Oriental Police, isa ang nasawi sa Brgy. Sobre Karet habang humahataw ang bagyong Pablo. Ang biktimang si Rosel Anong, 22-anyos ay iniulat na nadulas at nabagok ang ulo.

Sugatan naman sina Expedita Capalit, 45-anyos at Cresencio Masungkad, 71, matapos mabagsakan ng puno sa Caraga region.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply