2 negosyante nagduwelo: 1 dedbol

crime-scene-chalk-mark

TIGBAK ang isang negosyante makaraang makipagbarilan sa kabaro sa Tondo, Maynila, kahapon ng tanghali.

Hindi na umabot nang buhay sa Mary Johnston Hospital si Armando Tudla, may-asawa ng 629 Gerona St., Tondo na nagtamo ng tama ng bala sa mukha.

Nasa malubhang kalagayan naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang nakabarilan nitong si Christopher Roxas, 32 anyos, may asawa, kapwa negosyante ng nasawi at residente ng Gerona St., Tondo.

Batay sa report na isinumite ni Det. Benito Cabatbat kay P/Sr.Insp.Esmael dela Cruz, hepe ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section, dakong 12:00 ng tanghali nang maganap ang engkuwentro sa kahabaan ng Gerona St., sa Tondo.

Naglalakad si Tudla sa nasabing lugar nang magkrus ang landas nila ni Roxas.

Nang magkaharap ay halos magkasabay na nagpaputok ng baril ang dalawa at tinamaan sa mukha si Tudla, habang sa kaliwang tagiliran naman tinamaan si Roxas na nagawa pang makatakbo papalayo ngunit bumagsak rin sa kalye.

Kapwa isinugod ang dalawa sa magkahiwalay na ospital, subalit hindi na umabot nang buhay si Tudla habang patuloy namang inoobserbahan si Roxas.

Malakas ang hinala ng pulisya na pera ang dahilan sa duwelo ng dalawang negosyante.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply