2 negosyante nagduwelo,1 patay ,1 sugatan

PATAY ang isang negosyante habang nasa bingit ng kamatayan naman ang isa pa matapos na magduwelo sa Tondo, Maynila.

Hindi na nailigtas pa ng mga doktor ng Mary Johnston Hospital ang nasawi na si Armando Tudla, 40, ng 629 Gerona St. Tondo matapos magtamo ng isang tama ng bala sa mukha.

Ginagamot naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang nakaduwelo nitong si Christopher Roxas, 32, ng 623 Gerona St., Tondo, Maynila.

Sa report ni SPO3 Benito Cabatbat ng Manila Police District-homicide section, dakong alas 12 ng tanghali nang mangyari ang engkuwentro sa kahabaan ng Gerona St., sa Tondo nang mag-krus ang landas ng dalawa.

Nauna rito, naglalakad lamang umano si Tudla sa nasabing lugar na nakapambahay nang makita ito ni Roxas at halos sabay silang nagpaputok.

Nakatakbo pa si Roxas papalayo ngunit bumagsak din ito sa kalye.

Kapwa naman isinugod sa magkahiwalay na ospital ang dalawa ngunit namatay din si Tudla habang patuloy na inoobserbahan si Roxas.

Tinitignan anggulo ng pulisya ngayon ang umanoy utangan sa pera at kompetisyon sa negosyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply