2 NPA patay sa engkuwentro

DALAWANG armadong New Peoples Army ang napatay ng militar kabilang ang isang babaeng  kadre sa naganap na sagupaan sa pagitan ng Philippine Armies sa Catanduanes, .

Sa report ng militar, nangyari ang sagupaan sa may bahagi ng Calatagan, sa bayan ng Virac nang masabat ng mga tauhan ng Army 83rd Infantry Battalion ang may 15 mga rebelde .

Agad na nagkaroon ng palitan ng putok na naging resulta sa pagkamatay ng dalawang rebelde  na kinilalang sina  Lizel Sorena, alyas Shen, isang amazona, at isang alyas Bryan at  ang pagrekober sa apat na high powered firearms.

Ayon kay  Southern Luzon Command spokesman Col. Generoso Bolina nagsagawa ng routine combat patrol operation ang mga elemento ng 83rd Infantry Battalion hinggil sa presensiya ng armadong grupo na nagsasagawa ng kanilang extortion activities sa area.

Sa impormasyong ibinahagi ni Bolina, isang hot pursuit operation ang kanilang inilunsad laban sa mga tumatakas na rebelde.

Samantala, ayon naman kay 83rd IB Commanding officer Lt. Col. Rodolfo Batang, “We are conducting clearing operation against the NPA rebels in the island to keep the people of Catanduanes away from harm and fear , instead for them to have a happy and safe yuletide season.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply