2 Pinoy, patay sa banggaan ng barko sa North Sea

INAALAM na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nakalap na ulat na kabilang ang dalawang tripulanteng Pinoy sa mga namatay sa nangyaring ship collision sa North Sea.

Ang North Sea ay ang marginal sea ng Atlantic Ocean na napapagitnaan ng Great Britain, Scandinavia, Germany, The Netherlands, Belgium, at France.

Ayon kay Dutch Coast Guard Spokesman Peter Westenberg, lumubog ang Baltic Ace nang makabanggaan ang Cyrus J Container Ship na bahagyang na-damage lamang.

Natagpuan naman ng rescuers ang limang mga bangkay na kinilala ng Dutch Police ang mga namatay na dalawang Polish national, isang Ukrainian at dalawang Pinoy.

Sa kabuuang 24-crew members ng Baltic Ace, 13 lamang ang nakaligtas.

Aminado ang Dutch Ministry of Defense na hirap ang rescue operations dahil sa lakas ng hangin na sinabayan pa ng malakas na alon sa karagatan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply