2 rebelde patay sa sagupaan sa Zamboanga del Norte

PATAY sa militar ang dalawang kasapi ng New People’s Army (NPA), habang dalawang sundalo ang malubhang nasugatan sa naganap na sagupaan sa Leon Postigo,  Zamboanga del Norte, kahapon.

Ang sagupaan ay hinggil na natanggap na impormasyon  ng Philippine Army’s 10th Infantry Battalion na may mga rebeldeng NPA ang puwersahang nanghihi ng salapi sa mga residente sa  Barangay Tinuyop.

Ayon kay Capt. Alberto Caber, spokesman ng 1st Army Division, ang mga bandidong NPA ay kasapi sa extortion unit ng Western Mindanao Regional Party Committee.

Nagsasagawa ng pagpapatrulya ang mga sundalo nang makaengkuwentro ang tinatayang 20 rebelde dakong alas 3:00 ng hapon na umabot ng isang oras.

Nang matapos ang engkuwentro, nakitang nakabulagta ang dalawang rebelde habang sugatan naman ang dalawang kasamahang sundalo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply