2 rescue teams ipinadala ng MMDA sa ComVal

NAGPADALA na ng ‘elite’ resucue team ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para tumulong sa mga biktima ng sinalanta ng bagyong Pablo sa Compostela Valley.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino ang team ay gagamitin sa paghahanap, pagliligtas at retrieval operations sa mga lugar na labis na naapektuhan ng bagyong Pablo.

“These personnel are capable and have been on similar operations before in Bulacan, Iligan and Cagayan De Oro last year,” ani Tolentino.

Ang teams ay binubuo ng personnel mula sa Road Emergency Group and Public Safety office, mga bihasang rescue staff nurses, at medical services assistants.

Bukod sa rescue personnel, maGpapadala rin ang MMDA ng dalawang toneladang water purifier para sa malinis na tubig, special search cameras, medical kits, mga basic tools, rescue kits, mga tent at generator sets.

“MMDA is ready and willing to help anytime, anywhere. Our services are
not limited to Metro Manila alone,” ayon kay Tolentino

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply