2 sa 3 suspek sa pamamaslang sa kawani ng bangko, nahuli

behind-bars

NADAKIP kahapon ang dalawa sa tatlong suspek sa panghoholdap at pagpatay sa empleyado ng bangko sa Valenzuela City kahapon, Nobyembre 21.

Nakilala ang mga nadakip na sina Angelo Hilario, 16 ng Matimyas St.; at John Lawrence Javier, 17 ng Bernardino st., kapwa ng Gen. T. De Leon ng lungsod. Pinaghahanap naman ang isa pang suspek na si James Lopez ng Mercado St., ng lungsod.

Magugunita na natagpuang patay sa sakal ang biktimang si Cris Dumo, 22 sa Quintin Demetillo St., Gen. T. De Leon noong Nob. 21, dakong alas-7:00 ng umaga.

Nawawala ang pera at cellphone ng biktima hanggang sa may lumutang na saksi na nagnguso sa mga suspek na naging dahilan upang magsagawa ng follow-up operation ang mga pulis.

Dakong ala-1:30 kahapon ng hapon nang madakip si Hilario habang dakong alas-5:00 ng hapon nang madakip si Javier malapit sa kani-kanilang bahay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply