2 sugatan, 4 sasakyan napinsala sa nagwalang kalabaw

MPD-HeadQ

SUGATAN ang dalawang katao habang apat na sasakyan naman ang bahagyang napinsala matapos na manuwag ang isang nakawalang kalabaw sa Sampaloc, Maynila.

Sa imbestigasyon nina PO3 Virgilio Minon at PO3 Aaron Cortez, ng Manila Police District-Police, dakong alas 4:30 ng kahapon nangyari ang insidente kung saan nagmula pa umano sa slaughterhouse ng San Juan City, ang nanuwag na kalabaw.

Ibinababa umano ang kalabaw mula sa truck ng Jeffrey Meat Shop, na pagmamayari ng isang “Judy”,  nang bigla itong pumalag at tuluyang nakawala at nagtatakbo sa direksyon patungong Maynila.

Habang tumatakbo ang kalabaw sa kalsada ay nasuwag nito ang bitkimang si Eduardo Dincon, 45, tricycle driver, ng 924 Norma St., Sampaloc, Maynila at isinugod sa National Orthopedic Center, at isang 10 gulang na batang lalaki na hindi nakuha ang pangalan at unang dinala sa Ospital ng Sampaloc.

Nagreklamo din ang mga may-ari ng mga sasakyan na nasira ng nagwalang kalabaw.

Kabilang na si Jason Delfin, 25, driver, ng Ventura St.,Sampaloc, Maynila, na nawasak ang pintuan ng L300 Van (TJF 371), dalawang tricycle ni Ricky Yadao,41, at ang service vehicle na Suzuki APV ng salesman na si John Carlo San Agustin.

Sasampahan naman ng mga kasong damage to property at physical injuries ang may-ari ng nanuwag na kalabaw.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply