Magkapitbahay sugatan sa bala

emergency

SUGATAN ang magkalugar matapos barilin ng kelot kaninang madaling araw, Disyembre 21.

Kapwa ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa katawan sina Billy Lambojon, 20 at Israel Balatucan, 15 kapwa ng Bangkulasi Ext., Bangkulasi ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na Jerome.

Base sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling araw, nagpapahinga habang nakaupo ang mga biktima sa Tarino st., Bangkulasi nang pagbabarilin ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang mga biktima sa JRMMC.

Nabatid na bago ang insidente ay naglalakad papuntang simbahan ang mga biktima nang harangin ng isang grupo ng kalalakihan.

Nakadama ng panganib ang mga biktima na naging dahilan upang magtakbuhan kung saan naawat naman ng mga barangay tanod ang kaguluhan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply