2 sugatan sa nagtanggol na pulis

quirino-memeorial-medical-center

RIZAL – Dalawa katao ang malubhang nasugatan matapos na mabaril ng isang bagitong pulis na ‘nagtanggol’ sa kanyang sarili kahapon ng hapon sa Antipolo City.

Sugatan din at ginagamot ngayon sa Quirino Medical Center ang biktimang si PO1 Marlo  Quibete, 34 anyos, nakatalaga sa Headquarters Support Service ng Eastern Police District (HSS-EPD) at residente ng Purok Maligaya 2, Brgy. Mambugan ng nasabing lungsod.

Isinugod naman sa Amang Rodriguez Medical Center ang suspek na si Cerilo Baong, 30 anyos, residente ng Zone 8, Purok 4, Brgy. Cupang at ang bystander na si Aldoz Joseph Sayson. 24 anyos kalugar ng biktima na nagtamo ng ligaw na bala sa kanyang katawan.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-5:00 ng hapon sa Purok maligaya 2, Brgy. Mambugan, Antipolo City.

Nakatayo umano ang nasabing pulis malapit sa kanyang bahay ng biglang sugurin at undayan ng saksak ng lasing na si Baong at nagtamo ng tama sa katawan.

Bagamat sugatan ay nakakuha ng pagkakataon ang pulis na mabunot ang kanyang .9 mm Pietro Berreta na service firearms at pinutukan ang suspek, habang nasapol din ang tambay na si Sayson.

Narekober ng mga barangay officials ang isang balisong, .9mm ni PO1 Quibete na mayroong 9 na live bullets at isang basyo sa pinangyarihan ng krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply