2 sugatan sa paputok

DALAWANG kaso na ng fireworks-related injuries ang naitala ng Department of Health (DOH) sa unang araw pa lamang nang isinasagawa nilang monitoring sa kanilang programang ‘Oplan Iwas Paputok,’ kaugnay sa 2012 Holiday Season.

Ayon kay Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, kabilang sa mga unang biktima ng paputok ay isang 11-taong gulang na batang lalaki mula sa Leyte at isang 18-anyos na dalaga mula sa Maynila.
Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Tayag na ang dalawa ay kapwa nagtamo ng injuries sa kanilang mga mata dahil sa paputok.

Batay sa ulat, ang batang lalaki, na mula umano sa Barangay Santo Nino, Tanauan, Leyte, ay gumamit ng boga, isang improvised na kanyon na gawa mula sa PVC pipes, at nagtamo ng corneal abrasion sa magkabilang mata.
Nagkaroon naman umano ng irritation conjunctivitis ang dalaga sa kanyang kaliwang mata matapos na manood ng fireworks display sa University of Santo Tomas sa Sampaloc, Manila.

Sinabi naman ni Tayag na mas kaunti ang naturang bilang kumpara sa mga kaso na naitala sa kahalintulad na petsa noong nakaraang taon.

“Two cases of firework-related injuries for December 21. This was four less than last year. Both cases had eye injuries,” tweet ni Tayag, director ng DOH-National Epidemiology Center (NEC).

“Both occurred on Friday, the first day of the DOH’s monitoring program “Oplan Iwas Paputok,” aniya.

Disyembre 21 nang sinimulan ng DOH ang monitoring ng DOH ng mga fireworks-related incidents kaugnay nang paghahanda ng mga Pinoy sa pagdiriwang ng Pasko at pagsalubong ng Bagong Taon.

Patuloy naman sa paghimok ang DOH sa publiko na huwag nang gumamit ng paputok ngayong holiday upang makaiwas sa disgrasya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply