2 tepok sa ambush sa Cotabato City

TIGOK ang dalawa habang ilan rin ang nasugatan sa naganap na pananambang sa Cotabato City, Miyerkules ng umaga.

Kabilang sa tinamaan ay kinilalang si Chairman Amil Sula, tserman ng Barangay Rosary Heights. Kinilala naman ang dalawang nasawi na sina PO1 Fike Kasan, 21-anyos at Shermaine Abdullah, 18 pamangkin ni Sula.

Sugatan naman sa pangyayari sina Jenna Sula, asawa ni kapitan Sula; ang anak nitong si Amerjane Sula, 7 gulang; Muslima Salik, 19;
Baikan Abdullah 42 at Taya Macalnas 34.

Sa report dakong alas-7:15 ng umaga, sakay ng van na minamaneho ni Kasan ay pauwi na ang mga biktima ngunit pagsapit sa Ramon Rabago St., bigla silang tinambangan ng hindi pa mabatid na bilang ng mga salarin at pinagbabaril gamit ang M16 armalite rifle.

Nagsasagawa na ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa mga suspek at inaalam na rin ang motibo sa naganap na ambush.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply