2 todas sa pamamaril sa QC

SA loob lamang ng 2 oras, dalawang kalalakihan ang napatay sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Quezon City nitong nakaraang Biyernes at Sabado ng madaling araw.

Sa unang insidente, binaril ng tatlong ulit sa ulo ang biktimang si Willard Uy, 26-anyos, habang nasa loob ng Internet shop sa Barangay Holy Spirit dakong alas 10:30 nitong nakaraang Biyernes.

Ayon kay P02 Ric Pittong, dumating na lang bigla ang dalawang armadong suspect sa Perfect Icon internet café sa Republic Avenue, Barangay Holy Spirit at inatake ang biktima habang naglalaro ng computer games.

Sa pangalawang insidente na naganap dakong ala 1:15 ng madaling araw, binaril din at napatay ang biktimang si Gilbert Soriano, 37-anyos.

Bago ito, nag-iinuman ang biktima at dalawang suspect pero sa gitna ng kasiyahan ay nagtalo kaya biglang umalis na lamang ang dalawang suspect nang hindi nagpapaalam.

Lingid sa biktima, inaabangan na pala ng dalawang suspect ang kanyang paguwi kaya nang makitang naglalakad ay nilapitan ito at saka pinagbabaril bago tumakas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply