2 tulak nalambat sa Parañaque

behind-bars

KALABOSO ang dalawang hinihinalang drug pusher makaraang maaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Parañaque City police, Biyernes ng hapon, sa naturang lungsod.

Kinilala ni S/Supt. Billy Beltran, hepe ng Parañaque City police, ang dalawang naarestong suspek na sina Isagani Ordones, 57, ng 76 Niyog 1 Bacoor Cavite at Jay Bernardo Jocson, 38, ng 71 Fruto Santos St., Tramo Las Piñas City.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:45 ng hapon nang maaresto ang mga suspek sa kanto ng Pelaez at Bonifacio sts. Barangay San Dionisio ng nasabing lungsod matapos bentahan ng ipinagbabawal na droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Sa aktong iniaabot ng mga suspek ang biniling shabu sa nagpanggap na buyer ay agad na dinampot ng mga nakaabang na kasamahan ng pulis ang mga ito na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang apat na pirasong heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu sa dalawang suspek.

Samantala, sasampahan naman ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II Republic Act 9165 ang mga nadakip na suspek sa Parañaque Prosecutor’s Office.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply