20 bahay tinupok ng apoy sa CDO

NILAMON ng apoy ang mahigit 20 bahay sa sunog na sumiklab sa Barangay 31, Cagayan de Oro City, Linggo ng gabi.

Nagsimula ang apoy dakong alas-8:00 ng gabi sa bahay ng isang Gigi Tenio at kaagad kumalat sa mga kalapit bahay dahil karamihan ay gawa sa light materials.

Kaagad namang rumesponde ang mga bumbero mula sa City Fire District at iba pang fire substation at fire brigade ng mga pribadong establisimyento sa lungsod.

Ayon kay City Fire District Marshall Supt. Sherly Teleron, naapula ang apoy makalipas ang dalawang oras at tinatayang aabot sa P200,000 ang danyos ng mga ari-arian.

Inatasan din kaagad ni Mayor Vicente Emano ang City Social Welfare and Development (DSWD) na ilista ang mga apektadong pamilya at indibidwal upang mabigyan ng agarang tulong.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad habang pinag-uusapan din ng mga opisyal ng lungsod kung ano pa ang maaaring gawin sa mga apektadong residente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply