20 NPA tinutugis sa panununog ng backhoe sa Palawan

TINUTUGIS na ngayon ng pulisya at military forces sa Palawan ang 20 miyembro ng New People’s Army (NPA) na sumunog sa isang backhoe sa bayan ng Taytay sa lalawigan.

Naganap ang insidente dakong alas-5:30 sa Barangay Pamantolon, Taytay.

Nito lamang nakaraang Linggo, sinunog din ng mga rebelde ang backhoe ng isang mining company sa Sofronio Spañola sa Palawan.

Sa nasabing insidente, tinutukan ng mga armadong kalalakihan ang mga empleyado ng nasabing mining company sa Sitio Malalag at saka sinunog ang kanilang backhoe.

Hinala ng awtoridad na extortion ang posibleng motibo sa pag-atake.

Nangyari ang dalawang pag-atake kahit inirekomenda ng Philippine military ang tigil putukan o truce sa mga komunistang rebelde sa panahon ng Kapaskuhan.

Nitong nakaraang taon lamang, inaprubahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang 18-day holiday truce na magsisimula sa Disyembre 16 at magtatapos sa Enero 2, 2013.

Kapag idineklara ang SOMO (suspension of offensive military operation), ang tropa ng gobyerno ay hindi maaaring magkasa ng opensiba pero nanatiling nasa defensive mode.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply