20 pamilya nasunugan sa Makati

UMAABOT sa 20 pamilya ang nawalan ng tirahan nang matupok ng apoy ang 10 bahay sa J.P Rizal-Guadalupe Viejo, Makati City, Lunes ng umaga.

Ayon sa Makati City-Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa ikatlong alarma ang sunog na nagsimula bandang alas-9:53 ng umaga bago tuluyang maapula ganap na alas-10:55 ng umaga.

Nagdulot ng pagsisikip sa daloy ng trapiko ang naganap na sunog at umabot din sa 20 truck ng bumbero ang rumesponde sa insidente.

Personal namang pumunta doon si Makati Mayor Junjun Binay para tiyakin ang lagay ng mga nasunugan at nangako ng financial assistance
sa mga ito.

Wala naman iniulat na namatay sa insidente habang patuloy na iniimbestigahan ang pinagmulan ng apoy pati na ang halaga ng pinsala nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply