20 taon na pala

inton

AKALAIN ninyo ‘yun? 20 taon na pala ang SMS – short messaging system – o mas kilala sa tawag na “text messaging.” Sabi sa mga balita, Dec. 3 raw unang na-send ang unang text message noong 1992, dalawampung taon na ang nakalilipas mula sa London. At Christmas greeting pa raw ang unang text message na ito.

Hindi na siguro maaalala ng marami sa atin ang panahon na wala pang text. Kahit dalawampung taon pa lang, parang habambuhay na sa sobrang pagka-popular nito.

Ang mga teenager ngayon ay ipinanganak nang may text. At ang Pilipinas pa raw ang sinasabing text capital ng mundo.

Marami na ang nangyari sa mundo ng komunikasyon mula noong 1992. Nawalan na nang silbi ang mga sulat o “snail mail” kung tawagin ngayon. Kawawa ang mga kartero, unti-unti nang nawawala ang kanilang kinagisnang trabaho. Nawawala na ang sining ng pagsusulat o paggawa ng liham.

Naalala ko noong konsehal pa ako, isa sa mga kampanya na siniimulan ko ang pagbubuhay sa sining ng letter writing at letter sending.  Naalala ko, nanawagan ako na kahit sa panahon man lang ng Kapaskuhan ay magpadala tayo ng sulat o mga card sa ating mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng koreo.

Iba pa rin ang sulat kamay na pagmamahal, sulat kamay na pagbati ng Merry Christmas at Happy New Year.  Ngayon nga, 20 taon na ang text-messaging, buombuo na nitong inangkin ang sining ng komunikasyon. Hindi ko maiwasang malungkot minsan lalo pa ang mga kabataan na bastard kung mag-text. Mga kabataan na hindi na halos makapagpahayag ng kanilang saloobin kung hindi sa pamamagitan na lang ng mga letrang pinagsasama-sama lang at bahala na kung maintindihan man o hindi ng nakatatanggap.

Pero ang text-messaging ang isa sa pinakamalaking pangyayari sa industriya ng komunikasyon.  Naging ubod ng bilis, naging madali at napakamura na ang pagpapadala ng mensahe sa mundo.

Freedom of communication.  Malaking bagay ito sa mabilis na pag-angat ng ekonomiya ng isang bansa, ng buong mundo. Pero may mga responsibilidad din tayong dapat alalahanin.

Ang kalayaan o malayang pamamahayag ay may kaakibat na responsibilidad. Dapat ang kalayaang ito ay magamit sa pagpapalakas at pagpapabuti ng mga relasyon. Dapat magamit para sa pag-unlad ng bansa. Magamit sa pag-angat ng negosyo at magamit para sa kaligtasan at kagalingan ng kapwa. Lahat ng gamit na masama ay tantanan na, sa mabuti na lang sana. Email me at ariel.inton@gmail.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply