200 kabataang biktima ng child labor, pasasayahin

NAGKAPIT-BISIG ang ibat-ibang labor groups para magbigay kasiyahan  sa may 200 mga kabataang naging biktima ng child labor upang maibsan man lang kahit paano ang kalupitang naranasan nila sa kanilang mga buhay na tatampukan  ng ilang aktibidad para sa kanila ngayong araw sa Quezon City  .

Ang  nasabing kasayahan ay bahagi na rin ng rehabilitasyon ng mga kabataan sa minsang bangungot na inabot nila sa pagiging biktima ng child labor.

Makikiisa sa pagtitipon si Trade Union Congress Party-List (TUCP) Rep. Raymond Democrito C.Mendoza  na inorganisa ng International Textile, Garment and Leather Workers’ Federation –Philippine Council (ITGLWF-PC) kasama ang sampung kasaping national unions at tinaguriang “Smash Child Labor with Fun”(Handog Pamasko para sa mga Iskolar ng Unyon), na gaganapin ngayong araw December 22, 2012  bandang alas 10:00 ng umaga  na gagawin sa SSS Livelihood Complex, sa East Avenue, Quezon City.

Magiging tampok sa event ang  badminton fun games, educational assistance at  gift-giving  para sa  200 child labor beneficiaries ng  ITGLWF-PC.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply