2,000 kabataang biktima ng bagyong Pablo na-trauma

TINATAYANG nasa 16,000 kabataan na biktima ng hagupit ng bagyong Pablo at nawalan ng bahay sa Veruela, Agusan del Sur ang kinakailangang isailalim sa counseling lalo na yaong malapit lang sa Compostela Valley kung saan 2,000 sa mga ito ay nakitaan ng sintomas ng trauma.

Sinasabing nakitaan ang mga naturang kabataan ng walang imik at hindi na nakikihalubilo sa mga tao.

Ayon sa Plan International, isang children’s charity, malaki ang epekto sa mga bata nang kanilang naranasan si pananalasa ng bagyong Pablo na posibleng nagdulot ng trauma sa kanila at iba pang psychological problems.

Base naman sa pahayag ni Veruela MSWD officer Elvira Dagaraga, malaking tulong ang kailangan ng daan-daang mga kabataan na hanggang na ngayo’y nananatili pa rin sa mga remote at isolated areas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply