Kanseladong flight umabot na sa 132

NAIA-pic

UMABOT na sa 132 domestic flights kinansela dahil sa masamang panahon na dulot ng bagyong Pablo na nananalasa sa Visayas at Mindanao

Simula ala-una ngayong hapon iniulat ng NAIA media affairs, na walong biyahe ng Philippine Airlines ang naapektuhan ng sama ng panahon na may biyaheng patungong Davao at Tagbilaran.

Apektado naman ang 46 na biyahe ng Air Philippines kabilang ang mga rutang Manila-Caticlan, Dumaguete, Cotabato, Ozamis, Butuan, Cagayan De Oro, Surigao, Tagbilaran at Dipolog

Umabot naman sa 64 na biyahe ng Cebu Pacific ang kanselado. Ang mga apektadong ruta ay ang Butuan, Davao, Dipolog, Cagayan, General Santos at Caticlan.

Kanselado din ang ang dalawang biyahe ng SeaAir, na may ang rutang Manila-Davao at Davao-Manila.

Sampung flight ng Zest Air ang naapektuhan din ang biyahe patungo ng Manila-Davao at Manila-Tagbilaran.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply