Update: Halos 100 na ang patay sa bagyong Pablo

HALOS 100 katao na ang patay sa pananasala ng Typhoon Pablo (Bopha).

Sinabi ngayon ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, na ang death toll ay umabot na sa 82, na ang 33 ay namatay sa Cateel, Baganga at Boston sa Davao Oriental.

May 49 pa aniyang kaswalidad ang iniulat sa New Bataan sa Compostela Valley nang rumagasa ang flashflood.

Gayunman, may ulat naman na ang death toll sa New Bataan ay 66 na, na may 230 katao ang iniulat na nawawala at 109 naman ang sugatan. Kaya kung susumahin, aabot na ang bilang ng mga namatay sa 99.

Dalawangpu pa lamang sa mga kaswalidad ang nakilala pero hindi muna ibinunyag ang mga pangalan.

Para naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mas mababa naman sa kanila ang death toll na umabot lamang sa 77.

Nilinaw naman agad ni NDRRMC Executive Director Benito Ramos na ang pagkakaiba o discrepancy sa pag-ulat sa bilang ng mga namatay ay natural lamang dahil inaalam pa nila ang ulat na mula sa kanilang tauhan na nasa labas.

Gayunman, inaasahan ni Ramos na mas tataas pa ang bilang ng mga namatay habang ang mga local government at military officials ay nagulat na sa insidente ng landslides at flashflood incidents.

Karamihan aniya sa kaswalidad ay mula sa Compostela Valley. Ang ilan naman ay mula sa Davao Oriental, Surigao del Sur, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Bukidnon, Misamis Oriental at Siquijor.

Sinabi pa ng opisyal na ang flashfloods at landslides sa Compostela Valley ay naganap sa Barangay Andap at Poblacion Martes ng umaga (Disyembre 4).

Karamihan sa mga biktima ang nalunod sa baha habang ang iba naman ay tinamaan ng nabuwal na puno sahi ng malakas na hangin.
Kabilang sa mga kaswalidad ay mga kabataan at mga paslit.

Iniulat din na ang flashfloods na rumagasa mula sa kabundukan ay may kasamang putik kaya ang katanungan kung bakit nabalot ng makapal na putik ang ilang parte ng lugar ay nagkaroon ng kasagutan.

May limang sundalo naman ang iniulat na nawawala nang tangayin ng baha habang papunta para magkasa ng rescue at evacuation operations. Isa sa mga sundalo na nakilalang si Staff Sgt. Maximo Olivarez, ang nalunod.


Leave a Reply

*
Kristd, di ba ikaw ang magaling sa mga b.i., kilal...
may mamamatay na naman diyan sa QC sana kasama na ...
nyahahahahah hindi ako naniniwalang TIGANG sa Se...
nyahahahahah Mali ka Tandang Nestor Letter A ng...
nyahahahahha oo nga naman dapat lang magalit si B...
nyahahahahha bhukeet katapat ba ng carmela ang TLG...
NESTOR ANG GANDA NA TALAGA ANG LEHAL WIFE HALOS GA...
Paano madehydrate c kris e sagana sa burat ang pok...
ANOTHER PARANIG AT PANANAKOT NA NAMAN ITO ANGEL. E...
DA WHO si beteranang aktres? hay nako, halatado ta...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.