2012 Christmas rush tips

inside motoring

SA PANGALAWANG pagkakataon ay aking ibibigay ulit sa inyo ang aking munting payo at paalala para sa mga motorista at pati na rin sa mga commuter sa buwan ng kapaskuhan.

1. Bago umalis o umuwi ng bahay ay siguraduhing nakagamit na tayo ng banyo. Mahirap na abutan sa kalagitnaan ng trapik.

2. Laging magbaon ng tubig pang inom at mga light snacks tulad ng sandwich, chichirya, o biscuit para hindi abutan ng gutom sa daan.

3. Siguraduhing may sapat na krudo o gasolina ang iyong sasakyan.

4. Magbaon din ng tubig o coolant para sa iyong radiator kung sakaling mag-overheat ang sasakyan mo.

5. Pag ipit na sa trapik ay huwag makipagsabayan sa pagbubusina. Hindi ito makakatulong sa pagluwag ng trapik.   Ito’y maaaring makairita sa ibang motorista na baka pagmulan pa ng away at mauwi sa road rage.

6. Iwasan ang switching of lanes o ang pagpapalit-palit ng iyong lane. Nag-aaksaya ka lang ng iyong krudo o gasolina.  Sa masikip na trapik ay halos pare-pareho lang ang daloy ng mga ito.

7. Kung may gustong sumingit sa iyong harapan ay padaanin mo na kesa makipag gitgitan pa. Hindi naman malaking kalamangan ito sa kanya. Usad pagong pa rin naman tayong lahat. Kadalasan ng mga banggaan ay sanhi ng hindi pagbibigayan sa kalsada.

8. Sa gitna ng trapik, kahit gaano man katagal ay panatiliing maganda ang iyong disposisyon. Makinig sa radyo o sa iyong iPod kung meron. At kung may kasama ka naman sa sasakyan ay mas maganda dahil marami kayong puwedeng pagkwentuhan pampalipas ng gutom o pagkabagot.

9. Sa mga dumadaan sa EDSA, kung wala namang ibang importanteng lakad pagkatapos ng trabaho ay dumiretso na sa bahay.  Hindi na naaangkop ngayong Disyembre ang magpalipas muna ng trapik dahil kahit alas-3:00 ng umaga ay masikip pa rin ang daloy ng trapiko dito.

10. At higit sa lahat, isipin lagi ang Kapaskuhan ng sa gayon ay maaliwalas ang ating pag-iisip at humaba ang ating pasensya habang nasa kalsada.

Happy Christmas Motoring!

*****

Binanabati ko ng Maligayang Kaarawan si Paeng Batuigas ng Hyundai Asia Resources Inc. at si Chris Ferreras ng Homeless Women Foundation.

*****

Iniimbitahan ko po kayong makinig sa inyong lingkod tuwing Martes at Huwebes, 2:00 p.m. para sa INSIDE MOTORING RADIO sa DZRJ 810khz AM. Inaanyayahan ko rin kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo. Sa Kalakhang Maynila, ang Pinoy Extreme ay nasa Destiny cable ch. 83, Cablelink ch. 55 at G-Sat ch. 7. Mapapanood rin ito sa iba’t ibang mga cable operator nationwide. Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, ‘wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/InsideMotoring o di kaya’y mag-text sa 0918-4479006. Salamat po!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply