2015 ‘Educ For All’ goal makakamit ng Pinas

deped

KABALIGTARAN ang pananaw ng isang mataas na opisyal ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), na hindi matutupad ng Pilipinas ang 100% ‘Education For All’ (EFA) goal sa taong 2015.

Kumpiyansa si Education Secretary Armin Luistro na nasa tamang direksyon ang pamahalaan para makamit ang edukasyon para sa lahat matapos ang implementasyon ng K+12 program sa segundarya.

“If (EFA goal) can not be 100 percent. But probably, ninety five percent, and ninety percents is almost 100 percent. It is achievable,”
diin Sec. Luistro.

Ito ay sa kabila ng pahayag ni Dr. Anwar Al-Said, Education Unit head ng UNESCO Regional Office sa Jakarta, Indonesia, na maraming mga bansa sa ASEAN ang hindi matutupad ang EFA goals kabilang na ang Pilipinas hanggang taong 2015.

Ngunit pinuri ni Al-Said ang K+12 program ng DepEd na nasa tamang direksyon naman umano ang Pilipinas ngunit duda kung makakamit ang EFA sa 2015.

Sinabi naman ni Education Assistant Secretary Jesus Lorenzo Mateo na nilikha ang K+12 hindi lang para makamit ang EFA o Millenium Development Goals ngunit para sa kinabukasan ng bansa.

Ipinayo naman ni Al-Said sa Pilipinas na upang magtagumpay ang edukasyon sa bansa ay nararapat nang pagsamahin sa iisang ahensya ang DepEd, Commission on Higher Education, at Technical Education Skills Development Authority (TESDA).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply