Tipsters vs ASG nakasungkit ng P22M pabuya

BINIGYAN ng military ng aabot sa P22 milyon reward money ang mga impormante ng Intelligence Service sa Camp Aguinaldo kaninang umaga kasunod ng nutralisasyon sa mga key Abu Sayyaf personality at communist terrorist leaders.

Ang seremonyas ay pinangunahan ni Deputy Chief of Staff for Intelligence Maj. Gen. Francisco N. Cruz Jr. at kasama si Commanding General ng AFP Civil Relations Service, Maj. Gen. Rolando B. Tenefrancia.

Tinulungan ng mga tipster ang Armed Forces of the Philippines para matugis ang isang Abu Sayyaf Group leader, 1 ASG sub-leader, 7 ASG members at tatlong communist terrorist leaders.

Ang mga na-neutralized na personalidad ay kinabibilangan ni ASG leader Ghumbahali Jumdail alias Dr. Abu, na napatay sa isang airstrike sa Sulu noong mga unang buwan ng 2012. Si Dr. Abu ay sangkot sa Dos Palmas kidnapping noong 2001 at iniulat na may kaugnayan sa Jemaah Islamiyah. May patong itong P7.4 milyon pabuya sa ulo.

Ilan pang ASG na may patong na pabuya ay sina ASG subleader Suhud Tanadjalin (patay at P3.3 milyon pabuya); ASG key member Usman Said, alias Kaiser Said (patay, may patong sa ulo na P1.2 milyon). May tig-P350,000 na patong sa ulo ang mga ASG member na sina Imbo Bayani alias Sahibul Jamaani (patay), Harun Jaljalis (patay), Assan/Bin Laden alias Abu Usama (nadakip), Burrong Rasul Barro alias Abu Mohammad (nasukol), Rommel Abbas alias Abu Nick (naaresto) at Samsudin Musa alias Musa (nadakip).

Nasa listahan din ang tatlong miyembro ng New People’s Army na pinangungunahan ni Allan V. Jazmines, alias Tomas/Arthur na may P5.6 milyon reward sa kanyang ulo. Natiklo ito noong Pebrero 2011 na may 13 standing warrants of arrest ng 14 na kaso ng murder.

Ang dalawa pang sina Robertson Anchez, alias Stanley/Felimon (patay) at Edgardo Sevilla alias Palong/Diego (nahuli), ay may tig-P1.2-milyon patong sa ulo sa multiple cases of murder, robbery in band, at multiple frustrated murder.

Ibinalik ang reward system para sa wanted ASG leaders at miyembro noong Hunyo 12, 2001, habang ang reward system para sa wanted insurgents ay ibinalik noong Hunyo 30, 2006. Isinama sa reward system noong Oktubre 2007 ang kasabwat at iba pang terrorist personalities.

Ang reward system ay paghihikayat sa community members na sumali sa counter-insurgency at counter-terrorism activities sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahalagang impormasyon sa mga wanted personality.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply