3 nabiktima ng mga nagpanggap na taga-BoC

MPD-HeadQ

TATLO katao ang nabiktima ng mga nagpanggap na tauhan ng Bureau of Custom (BoC).

Nagreklamo ngayon sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) ang mga biktima na sina Joey Barisan, 24, ng Aurora St. Pasay City; Katrina Binarato, 22, ng West Rembo St.; at Mark Leonard Tagarakakan, 29.

Kinilala naman ang mga suspek na sina Alexander Jimenez, Jojo Perez at umano’y isang empleyado ng BoC.

Sa ulat, nahikayat ng mga suspek ang mga biktima na bumili ng mga murang imported na gulong. Nagkasundo ang magkabilang panig sa halagang P198,000.

Pagkatapos magkabayaran ay pinaghintay ng mga suspek ang mga biktima sa Gate 1 ng BoC sa may Port Area, Maynila. Subalit, ilang oras na ang nakalilipas ay hindi pa rin bumabalik ang mga nagpanggap ng miyembro ng customs.

Dito na nagtaka ang mga biktima at naisip na nabiktima siya ng mga sindikato.

Sinubukan din ng biktima na tawagan ang mga suspek sa kanilang cellphone ngunit hindi na nila ito makontak.

Dahil dito, agad na nagtungo ang mga biktima sa MPD headquarters upang maghain ng reklamo laban sa mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply