23-anyos na kelot dedo sa bolo

crime3

DEDBOL ang isang 23-anyos na lalaki makaraang pagsasaksakin sa Butuan City, Lunes ng umaga, Disyembre 10.

Kinilala ang namatay na si Alvin E. Bacala, habang nakilala ang suspek na si Rico B. Baguio.

Sa imbestigasyon, nabatid na sinugod ng suspek na armado ng bolo ang biktima na natutulog noon sa tindahan at walang sabi-sabing inundayan ng saksak.

Naisugod pa ang biktima sa Butuan City Medical Center makaraang magtamo ng saksak sa noo at sa kaliwang bahagi ng katawan.

Iniimbestigahan na ng Butuan City Polcie Station 4 ang krimen habang tinutugis na ang tumakas na suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply