258 donasyong kabaong dadalhin sa Eastern Mindanao

DADALHIN ngayon ang may 258  donasyong kabaong na mula sa Pampanga sakay ng barko ng Philippine Navy para sa mga biktima ng bagyong Pablo.

Ayon kay Philippine Navy Spokesman Omar Tonsay, isasakay sa BRP Laguna ang mga kabaong kasama ng 160 toneladang relief goods  at ito ay dadalhin sa Eastern Mindanao.

Una nang nagpadala ng 500 donasyon noong nakalipas na linggo kung saan marami pa rin ang kakulangan sa kabaong dahil nadadagdagan pa ang mga narerekober na bangkay ng mga biktima na nasalanta ng bagyong Pablo.

Bukod sa dadalhing mga kabaong ay maghahatid din ng relief goods ang ahensya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply