26 sako ng sangkap ng pampasabog nasabat sa Maynila

NBI

NASABAT ng National Bureau of Investigation-Anti-Organized Crime Division (NBI-AOCD) ang may 26 na sako ng sangkap ng pampasabog sa isinagawang pagsalakay sa isang apartment sa Sta. Cruz, Maynila, Biyernes ng umaga.

Sinalakay ang apartment sa 2725 P. Guevarra St. sa nasabign lugar at naaresto ang isang Joel Antonio na naabutan ng awtoridad.

Ayon naman kay Antonio, nanggaling ang mga kargamento sa isang Willy Sanchez na subject ng serach warrant.

Ang mga nasabat ay pawang ammonium nitrate na ginagamit na sangkap sa paggawa ng dinamita at iba pang uri ng pampasabog kung saan pinalitan umano ng chick booster ang tunay na label.

Nabatid na kayang magpasabog ng gusali ang mga nasabat sakaling gamitin ito sa paggawa ng bomba.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply