274 patay kay Pablo at sala ng local officials

benny antiporda

KAMAKALAWA ng umaga kasama ko ang lahat sa pagtanggap ng mga balita ukol sa mga nasasalanta.

Bagama’t may napaulat nang namatay na dalawa sa Mati, Davao sa umaga, lumabas naman sa katanghalian na “under evaluation” ang ulat.

Kaya natuwa tayo sa sinasabi ng pamahalaan na “zero casualty” ang pagdating ng bagyong Pablo.

Dumating ang hapon, nakumpirma na konektado sa bagyo ang pagkamatay ng dalawa at nadagdagan pa ang bilang ng mga namatay ng dalawa katao pagdating ng hapon.

Pinasalamatan natin ang Diyos sa ganung kaliit ng namatay.

43 PATAY SA LANDSLIDE

Bigla tayong kinabahan pagsapit ng dilim, mga Bro, nang may balitang landslide sa Compostela Valley.

Hindi nagtagal, tumaas na ang bilang ng patay sa 43.

Habang nakikinig tayo ng radyo, napaiiling na lang tayo sa sinasabi ng ating mga kapatid na reporter at corres-pondent na nagbibilang sila ng mga patay.

Sabi, 39 ang kumpirmadong patay at may mga nawawala pa.

95 PATAY AND STILL COUNTING

Kahapon ng umaga hanggang tanghali, nakabibingi ang mga balita na nasa 95 na ang patay.

At inaasahan pang lalaki ang bilang ng mga patay sa pananalasa ng bagyo sa malawak na bahagi ng Min-danao, Kabisayaan at Katagalugan hanggang sa araw ng Biyernes.

Dito na tayo natutong magdasal na sana, huwag nang madagdagan pa ang mga nasawi.

Pero kung mayroon pang dagdag, ano ang magagawa natin sa makapangyarihang kalikasan na nagngingitngit sa ating bayan?

238 ANG PATAY

Lalo tayong nalungkot, mga Bro, nang umabot na sa atin ang mga ulat na nasa 238 na ang patay.

Karamihan sa mga ito ang natagpuan sa Davao Region, Caraga Region at Compostela Valley.

Nadaganan ng mga natumbang puno, natamaan ng mga landslide, nalunod sa mga flashflood.

Ganito namatay ang mga biktima.

At habang nananalasa ang bagyo sa kalagitnaan ng Visayas at sa ilang bahagi ng Timog Katagalugan gaya ng Palawan, masasabi nating still counting pa rin tayo sa mga namamatay.

FORCED EVACUATION

Dahil sa kabaligtaran ang tunay na nagaganap sa inaasahan ng pamahalaan, dapat talagang magpatupad ang pamahalaan ng mga kinakailangang hakbang para kahit papaano ay masasabing ligtas sa panganib o kamata-yan ang ating mga kapatid na dinaraanan ng bagyo.

Forced evacuation o puwersahang paglilikas nang maaga ang isa sa mga kasagutan.

Hindi dapat na isagawa ang pag-eebabakwit kung naririyan na ang rumaragasang baha baka matulad lang ang mga inililikas sa mga nakasakay sa trak sa Compostela Valley na inanod ng baha habang tumatawid ito sa ilog.

DELIKADONG BAGONG LUGAR

May problema nga lamang sa paglilikas.

May mga pinaglilikasang lugar na inaabot ng mga baha.

At ang masama, may mga safe na lugar na sa huli ay tinatamaan din pala ng mga landslide at iba pang anyo ng ngitngit ng bagyo.

Lumalabas na may mga lugar na hindi naituro na delikado ng pamahalaan at ngayon lang nalaman na delikado pala sa paninirahan ng mamamayan at lalong delikado na gawing evacuation center.

LEKSYON ULIT

Sinasabi ng Department of Interior and Local Government na hindi sila nagkulang sa pagpapaalala sa mamamayan ukol sa panganib mula sa bagyo at mula sa mga lugar na kanilang tinitirhan.

Pero anoman ang sabihin ng DILG at mga lokal na pamahalaan, nagdudumilat ang katotohanan na napinsala ang daan-daang katao.

Gayundin ang milyon-mil-yong mamamayan na dinaanan ng bagyo.

Nangangahulugan lang na dapat tanggapin ng DILG na marami pa rin itong pagkukulang.

Hindi dapat na mag-ala-Poncio Pilato si Secretary Mar Roxas sa pangyayari.

Anong malay natin kung mismo pang mga lokal na opisyal ang may sala sa mga kalamidad na nagaganap?

SUBDIBISYON, LOGGING ATBP

Tingnan ho ninyo ang mga ito, Sec. Roxas.

Sino-sino sa mga opisyal ng pamahalaan ang sangkot sa mga logging, ligal o iligal na pinagmumulan ng mga matitinding pagbaha?

Sino-sino ang mga lokal na opisyal ang may kontrol o may sosyo sa mga kompanya ng lupa na sumisira sa mga kagubatan upang ma-convert bilang sentro ng kanilang mga negosyo, subdibisyon, plantasyon at kung ano-ano pa?

LGU, QUARRY AT MINAHAN

Lantad din sa taumbayan ang pagkakasangkot ng mga lokal na opisyal, gamit ang mga kapangyarihan ng mga lokal na pamahalaan at nasyonal na rin, sa mga naglipanang minahan at quarry kahit saan sa bansa.

Ang mga minahan at quarry ang kakambal ng mga logging na umuubos sa mga makahoy na bahagi ng ating bansa.

Magkakakambal ang mga ito na nagpapahina sa mga kabundukan o kalupaan na kung binagyo at inulan ay naghahatid ng mga matitinding baha.

KONTROLIN SILA

Kung ako kayo, Mr. Secretary, dapat na pagtatanungin ang mga lokal na opisyal at mga nasyonal na opisyal na rin kung bakit nakakalbo at nagiging marupok na ang mga bundok at kapatagan at kung bakit naglipana na ang mga landslide at mga flashflood.

Hindi inosente ang DILG sa kamatayan ng mamamayan sa mga bagyong dumarating.

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply