28 patay sa pamamaril sa eskuwelahan sa US

crime3

PATAY ang 28 katao kabilang ang 20 bata makaraang mamaril ang isang lalaki sa loob ng isang elementary school sa Connecticut, USA.

Sa ulat sa radyo, armado ng tatlong armas ang suspek na kinilalang si Adam Lanza, 20-anyos nang pasukin ang Sandy Hook Elementary School sa Newtown.

Sa report, inihatid ni Adam ang kanyang ina sa paaralan na isang guro doon.

Sa loob ng silid-aralan ay binaril ng suspek ang sariling ina at ang 18 estudyante.

Lima pa ang sunod na binaril ng suspek bago nagbaril sa sarili.

Kabilang din sa mga nasawi sa pamamaril ang principal at isang psychologist ng paaralan.

Mariing kinondena ni US President Barack Obama ang naganap na mass killing na pawang mga estudyante ang biktima.

Nagpahayag na rin ng pakikidalamhati si Pangulong Benigno Aquino III sa pamilya ng mga biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply